Sa pagsapit ng takip-silim, lahat ay nagbabago.
Lahat ng kaligayahan sa buhay ay naglalaho.
Sa tuwing makikita ko sa gabi ang mga bituin,
Lungkot ang nadarama sa pagkawasak ng mga mithiin.
Unti-unting nag-iiba ang mga pangyayari.
Hindi na mapakali, nawawala sa sarili.
Ang pag-asa na kay ilap ay hindi ko maabot.
Ako'y gulung-gulo ng pangangamba at takot.
Naghihintay ng bulalakaw galing sa himpapawid,
hihilingin kong mawala mga sakit na walang patid.
Sa paglipad ng mga ibo'y nais kong sumama.
Nais kong maging malaya sa pagkawalang pag-asa.
Sa pagsapit ng takip-silim, kay raming nais makamit,
habang ang mga bituin ay hindi nawawalan ng rikit.
Translation:
When twilight comes, everything changes.
All the happiness in life disappears.
Whenever I see the stars at night,
I feel sadness as my desires are crushed.
Slowly, the way things are happening become different.
the feel of anxiety; can't get hold of one's self.
I can't reach the hope that seems to avoid me.
I'm so fussed with trepidations and fear.
I keep waiting for a shooting star to fall from the heavens,
I'd wish for the pain to just go away.
With the flight of the birds I want to come.
I want to be free from hopelessness.
When twilight comes, so many desires wanting to be reached,
while the stars never lose their beauty.

